Balak ayusin muli ng Batanes Provincial Government ang mga “bahay na bato.”
Ito ay makaraang mapinsala dahil sa magkakasunod na lindol na tumama sa Itbayat.
Ayon kay Batanes Governor Marilou Cayco, ang mga “bahay na bato” na itinayo ng mga Ivatan ang dinarayo ng mga turista sa kanilang lugar.
Bukod dito, magpapatayo rin ng temporary shelters sa residenteng naapektuhan habang isinasagawa ang rehabilitation.
Sa inspeksyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa higit 900 bahay na naapektuhan ng lindol, nasa 185 na bahay ang hindi na magagamit pa, 81 ang kailangang ayusin bago tirahan, habang halos 700 ang ligtas nang balikan.
Aabot na sa P282 milyon ang kabuoang halaga ng pinsala.
Facebook Comments