Mga malalakas na aftershocks sa 7.1-magnitude na lindol sa Davao Oriental, patuloy na nararamdaman!

115

Umabot na ngayon sa 238 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa pagyanig ng 7.1-magnitude lindol sa Davao Oriental kahapon.

Ayon kay PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, 122 sa mga aftershock ay naitala malapit sa Governor Generoso na epicenter ng lindol.

Mula 5.1 hanggang 5.3 magnitude aftershock ang lakas ng pagyanig na naitala mula 11:42 p.m. ng Huwebes hanggang 4:28 kaninang umaga.


Bunsod nito, pinaalalahan ng PHIVOLCS ang publiko na maging handa sa mga posible pang aftershocks.

Facebook Comments