Hinihikayat ng Department of Energy (DOE) ang mga malalaking establisyemento sa bansa na sumali sa Interruptible Load Program (ILP).
Ito’y dahil pa rin sa patuloy na pagnipis ng suplay ng kuryente sa Pilipinas.
Ayon sa DOE, malaki ang maitutulong ng mga malalaking gusali sa pagsali sa ILP dahil hindi na sila kukuha ng suplay ng kuryente sa grid kundi gagamit sila ng sariling generator set.
Ibig sabihin lamang nito na ang mga malilit na bahay at may maliliit na negosyo na walang access sa generator ay kokonsumo lamang ng maliit na bahagi ng kuryente sa grid na makatutulong sa pag-iwas sa brownout.
Tinitiyak din nito na ang paggamit sa mga genset o pagpapababa ng kuryente ay nasa kanilang kontrol at hindi makapinsala sa anumang kagamitan.
Kung maalala, ang ILP ay unang ipinatupad sa Visayas at Mindanao noong 2014 upang matugunan ang pagkawala sa suplay ng kuryente na nararanasan din ngayong taon.