Bukod sa pamimigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad ay dapat ding tiyakin ng gobyerno na mananagot ang mga malalaking korporasyon na nagdulot ng pinsala sa kalikasan kaya lumala ang mga pagbaha, pagguho ng lupa at iba pang sakuna.
Ayon kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, hindi magtatagumpay ng lubos ang mga flood control project kung patuloy ang operasyon ng mga malalaking kompanya na sumisira sa ating kalikasan.
Giit ni Castro, responsibilidad ng gobyerno na magpatupad ng mga polisya na magbibigay-proteksyon sa kalikasan.
Mensahe ito ni Castro sa gitna ng kalunus-lunos na epekto ng pananalasa ng Bagyong Kristine tulad ng matinding pagbaha na kumitil sa buhay ng ilan nating kababayan.
Facebook Comments