
Ganap nang batas ang Enhanced Fiscal Regime for Large-Scale Metallic Mining Act matapos itong lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ilalim ng bagong batas, inaasahang aabot sa ₱6.26 bilyon ang kikitain ng pamahalaan mula 2026 hanggang 2029.
Itinatakda ng batas ang progresibo at malinaw na tax system para sa malalaking mining operations:
• 5% royalty para sa mga minahan na nasa loob ng mineral reservation.
• 1% hanggang 5% royalty para sa mga nasa labas ng reservation.
• Hanggang 10% windfall profit tax para sa mga minahang malaki ang tubo.
Layunin nitong gawing simple ang tax system, tiyakin ang patas na bahagi ng gobyerno sa kita ng pagmimina, at pabilisin ang pag-release ng mga local government unit (LGU) shares mula sa mining taxes.
Ayon kay Pangulong Marcos, sa pamamagitan ng batas, mababalanse ang operasyon ng mining industry, pangangalaga sa kalikasan, at kapakanan ng mga residenteng apektado.
Bahagi ng kikitain ng gobyerno ay ilalaan sa research and development at sa pagprotekta sa kalikasan.









