Mga Malasakit Help Desk, ilalatag na rin sa mga MRT stations bago ang Undas

Handa na ang Department of Transportation para sa araw ng Undas sa Nobyembre 1.

Alinsunod sa ipapatupad na “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2019,” ilalatag na sa Metro Rail Transit Line-3 ang  Malasakit Help Desks sa mga strategic stations nito.

Kabilang sa mga lugar na paglalagyan nito ang North EDSA, Cubao, Shaw, Ayala, at Taft.


Ang mga Malasakit Help Desks ay tutulong o magbibigay ng  assistance sa mga commuters at bawat station ay mamamahagi ng mga Malasakit Help Kits.

Naglalaman ito ng mga snacks, inuming tubig, toiletries, at foldable fans.

Ang unang 100 kits ay unang ibibigay sa mga Senior Citizens at Persons With Disabilities (PWDs).

Pagtiyak pa ng DOTr na hindi lamang sa MRT 3 maglalagay ng Malasakit Help Desk kundi sa lahat ng transport hubs dahil asahan na ang dagsa ng commuters ngayong panahon ng peak travel season.

Facebook Comments