Simula sa susunod na mga buwan, makatatanggap ng financial at food assistance ang mga maliliit na magsasaka at mangingisda sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act 2 (Bayanihan 2) at sa sobra ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Kabilang sa sakop ng ayuda ay ang mga corn, coconut, sugar farmers at mga katutubo o Indigenous People.
Sa pagtaya ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar, may sobrang P5 bilyon sa naipasok na taripa noong 2019.
Plano nilang magkaloob ng tig-P5,000 ayudang pinansyal sa mga magsasaka na may mababa sa isang ektaryang lupang sakahan.
Pero, mula sa P5,000 assistance, P3,000 ay ibibigay ng cash, P2,000 ay in-kind o sa anyo ng bigas, karne ng manok at itlog.
Isinasapinal na ng DA ang mechanics ng naturang ayuda alinsunod sa resolusyon ng Senate Committee on Agriculture and Food sa pamumuno ni Senadora Cynthia Villar.
Ito ay hiwalay sa Rice Farmers’ Financial Assistance (RFFA) at Financial Subsidy for Rice Farmers na ipinamamahagi sa mga magsasaka na apektado ng paluging presyuhan ng aning palay.