Mga maliliit na magsasaka, makakabili na rin ng bente pesos na bigas

Palalawakin pa ng Department of Agriculture (DA) ang P20 rice program.

Sa ngayon, makakabili na rin ng bente pesos na bigas ang mga maliliit na magsasaka.

Nakatakdang ilunsad ng DA sa August 13 ang pagbebenta ng murang bigas sa mga magsasaka na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture na may tanim na hindi lalagpas sa tatlong ektarya.

Sa ilalim ng programa, maaaring bumili ang mga magsasaka ng hanggang 10 kilo ng bigas kada buwan sa halagang P20 kada kilo, o kumuha ng 50-kilong sako mula Agosto hanggang Disyembre ngayong taon.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layon ng programa na magbigay-ginhawa sa mga lubos na nangangailangan.

Kasabay nito, iginiit ni Laurel na tuloy-tuloy ang mga reporma para sa long-term solutions, kabilang ang panukalang itaas ang taripa sa imported rice at pansamantalang suspindihin ang importasyon.

Facebook Comments