Mga maliliit na negosyo, ikinalungkot ang pagbabalik ng Alert Level 3 sa NCR bukas

Ikinalungkot ng ilang maliliit na negosyo ang pagmumuling paghihigpit ng gobyerno sa National Capital Region matapos ibalik ito sa Alert Level 3 simula bukas, January 3.

Sa ilalim ng Alert Level 3, pagbabawalan muli ang ilang aktibidad tulad ng perya, contact sports at casino.

Habang ibababa muli sa 30% ang indoor capacity at 50% outdoor capacity ng ilang establisyimento.


Ayon sa mga may-ari ng salon sa Metro Manila, karamihan sa kanilang mga kawani ay mawawalan muli ng pangkabuhayan kapag naghigpit muli ang pamahalaan.

Dagdag pa nila, nagsisimula pa lamang silang makabangon sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Matatandaang ini-akyat sa Alert Level 3 ang NCR simula bukas matapos makapagtala ng biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Facebook Comments