Mga maling teyorya patungkol sa COVID-19 vaccines, tinabla ng DOH

Muling iginiit ng Department of Health (DOH) na ang lahat ng COVID-19 na inaprubahan sa Pilipinas at ligtas at epektibo.

Hinikayat ng kagawaran ang publiko na huwag maniniwala sa mga sabi-sabi na kumakalat sa social media patungkol sa mga bakuna at palaging tingnan ang facts.

Tinabla ng DOH ang ilan sa mga maling impormasyon ukol sa mga bakuna na kumakalat sa social media.


Kabilang na sa mga false claims ay nagdudulot ng reinfection ang COVID-19 vaccine sa mga gumaling na sa sakit.

Iginiit ng DOH na ang mga bakuna ay nagpapalakas ng immunity at inilalayo ang tao mula sa hospitalization at kamatayan.

Itinanggi rin ng DOH na nakakabaog ang COVID-19 vaccines.

Hindi rin binabago ng bakuna ang DNA ng isang tao at walang katibayan ito.

Pagtitiyak din ng DOH na ang mga bakuna ay scientifically proven na protektahan ang mga tao mula sa sakit, at sinisiguro ng pamahalaan na ang mga kinukuha nilang mga bakuna ay mabisa at walang gagastusin ang mga tao para dito.

Facebook Comments