Kasabay ng pagdagsa ng mga tao sa mga shopping malls ngayong Christmas season, hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga mall operators na magtalaga ng mga indibidwal na magbabantay ng pagsunod ng publiko sa physical distancing protocols.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mayroong alternative enforcement measures na maaaring ipatupad sa mga malls para matiyak na nasusunod ang minimum health standards.
Dagdag pa ni Duque, ang mga security officials ay tatawaging “BIDA Bastonero” na itatalaga para ipatupad ang physical distancing sa pagitan ng mga customers.
Ang ibig sabihin ng BIDA:
B – Bawal walang face mask
I – I-sanitize ang mga kamay, iwas hawak sa mga bagay
D – Dumistansya ng isang metro
A – Alamin ang totoong impormasyon
Sa ilalim ng BIDA Solusyon, hinihikayat ang lahat na sundin ang health protocols para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ito rin ang pangunahing information campaign laban sa COVID-19.