Mga mall na hindi nasusunod ang safety protocols, dapat ipasara ayon sa MMDA

Dapat na manatiling sarado ang mga mall na hindi kayang magpatupad ng physical distancing at safety protocols laban sa COVID-19 pandemic.

Sa interview ng RMN Manila kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, iginiit ng MMDA kasunod ng pagkalat sa social media ng mga larawan sa ilang mall kung saan hindi nasunod ang social distancing measures.

Pakiusap ni Garcia, huwag gawing center ng COVID-19 ang mga mall.


Panawagan naman nito sa publiko, huwag maging ‘excited’ sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Aniya, ang mga mall ay pinayagang magbukas para lamang sa essential needs at hindi para maggala at kumain sa loob ng mga restaurant.

Facebook Comments