Mga mall owner, hinimok na lumahok sa kampanya kontra colorum na mga sasakyan

20

Manila, Philippines – Hinimok ng Inter-Agency Council for Traffic ang mga mall owners na lumahok sa kampanya kontra colorum na mga sasakyan.

Ayon kay I-ACT head at MMDA General-Manager Tim Orbos, dapat mag-presenta ang mga mall owner ng kani-kanilang terminal plans sa Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Anya, ito ay para maiwasang makapag-operate ang mga colorum na public utility vehicle na iligal na naglalagay ng terminal sa paligid ng mga mall.

Giit pa ni Orbos, mahalaga ang pagpapatupad ng traffic reduction measures sa mga mall at shopping center dahil nagsisilbing transport hub ang mga ito.

Facebook Comments