Mga malls sa Metro Manila, bukas para sa mga magpaparehistro para maging botante ayon sa COMELEC

Nagbigay ng espasyo ang mga mayari ng mga malalaking malls sa Metro Manila partikular ang SM at Robinson Malls para makapagparehistro ang mga qualified voters.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia na maaaring gawin ang regular registration at register anywhere project sa mga nabanggit na malls sa Metro Manila.

Ang regular registration aniya ay magpaparehistro ang isang indbidwal sa mall na nakakasakop sa kanyang lugar habang ang register anywhere project ng COMELEC ay ginagawa tuwing sabado at linggo kung saan kahit saan nakatira ang isang indibdiwal maari kang magparehistro kahit saang mall sa Metro Manila.


Kaya panawagan ni Chairman Garcia sa mga Pilipinong hindi pa botante samantalahin ang pagkakataong ito para hindi na sumabay sa haba ng pila kapag malapit na ang susunod na halalan.

Ang Barangay at Sangguniang Kabataan election ay gaganapin sa October 2023 matapos maantala nitong December 2022.

Facebook Comments