Mga mamamasyal ngayong holiday season, hinikayat ng MMDA na gumamit ng public transport kaysa magdala ng sariling sasakyan

Hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga mamamasyal sa Metro Manila ngayong holiday season na gumamit ng public transport.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, ito ay para maibsan ang matinding traffic na nararanasan sa Metro Manila ngayong papalapit ang kapaskuhan.

Aniya, nariyan ang mga public transport gaya ng MRT, LRT, EDSA Bus Carousel at mga jeep.

Malaki aniyang tulong ito para makabawas ng sasakyan sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila katulad na lamang ng EDSA.

Kung maalala, nagdulot ng matinding traffic noong Sabado ng gabi sa Marcos highway dahil sa holiday rush at mga aksidente sa kalsada.

Posibleng dadami pa ang mga sasakyan sa mga sunod-sunod na Christmas party at marami ring tutungo sa Metro Manila para mamasyal at mamili ng panregalo ngayong pasko.

Facebook Comments