Mayorya ng mga Pilipino sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang nasisiyaan o satisfied sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakalipas na tatlong buwan.
Base sa 3rd Quarter 2019 Survey ng Social Weather Stations (SWS), 94% ng mga nasa BARMM ang satisfied sa trabaho ni Pangulong Duterte, habang 3% ang hindi, at 3% ang undecided.
Katumbas ito ng Net Satisfaction na +90 o excellent rating.
Ayon sa SWS, ang Net Satisfaction ng Pangulo sa BARMM ay mataas kumpara sa mga non-BARMM areas sa Mindanao na nasa +74 o ‘excellent rating.
Isinagawa ang survey mula Sept. 27 hanggang 30 sa 1,800 respondents.
Facebook Comments