Tiniyak ni Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe, na bibigyan ng pagkakataon ang mga mambabatas para basahin at i-review ang 2025 General Appropriations Bill (GAB) bago ito pinal na aprubahan sa bicam.
Ito ang tugon ni Poe nang matanong ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa kung mapag-aaralan ba muna ng bawat mambabatas ang national budget bago ito malagdaan upang hindi sila magmukhang walang alam sa nilalaman ng budget.
Ayon kay Poe, may nauna na silang commitment ni Senate President Chiz Escudero na ipa-review muna sa mga mambabatas ang panukalang pambansang pondo bago sila palagdain sa bicam committee report.
Samantala, bumuo ang bicam ng technical working group na siyang tatrabaho para pagkasunduin ang mga nagbabanggaang probisyon ng budget.
Sa susunod na linggo ito sisimulan at inaasahang sa Disyembre 9 makalulusot na bicam at makabubuo na ng committee report dito ang Kongreso.