Tiniyak ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson Stella Quimbo na gagawa ng paraan ang mga mambabatas upang mapondohan ang batas para sa dagdag-pensyon ng mga mahihirap na senior citizens sa bansa.
Pangunahing binanggit ni Quimbo na paraan ay maghahanap sila ng mga programa na maaaring bawasan ng budget, o kaya ay mga ahensya na mababa ang utilization rates o paggastos sa kanilang pondo.
Sinabi ito ni Quimbo makaraang ihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na hindi kasama sa 2023 National Expenditure Program ang kinakailangang ₱25 billion para sa naturang pension hike.
Diin ni Quimbo, kailangan talagang mapondohan ang pension hike dahil inaasahan ito ng mga lola’t lolo na benepisyaryo.
Facebook Comments