Friday, February 6, 2026

Mga mambabatas, maaari lamang piliting pumasok kung kailangan ng quorum

Iginiit ni Senator JV Ejercito na maaari lamang i-compel o pilitin ang isang senador na dumalo ng pagdinig at sesyon kung kailangan ng quorum.

Kaugnay na rin ito sa isinusulong ni House Majority Leader Sandro Marcos na “no work, no pay” sa mga mambabatas na hindi papasok sa trabaho.

Ayon kay Ejercito, posibleng isinulong ito ng kongresista para maging patas sa ibang mga empleyado na kapag lumiliban sa trabaho ay walang sahod.

Kaya lang, sinabi ng senador na walang ganitong rule na sinusunod sa mga mambabatas maliban sa maaari lamang silang i-compel o piliting dumalo kapag kailangan ng quorum.

Sa kaso naman ni Senator Bato dela Rosa na halos apat na buwan nang “no show” sa trabaho, ang proposal pa lang ay suspendihin ang sweldo.

Facebook Comments