Mga mambabatas malaya parin na magdesisyon sa kung sino ang gustong gawing speaker

Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na kahit nag endorso si Pangulong Rodrigo Duterte ng susunod na Speaker ng Kamara ay hindi naman nito pakikialaman ang personal na desisyon ng bawat mambabatas.

 

Matatandaan kasi na sinabi ni Pangulong Duterte na si Congressman Alan Peter Cayetano ang pinili ni Pangulong Duterte na unang magiging House Speaker na susundan naman ni Congressman Lord Alan Velasco.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Medialdea pumasok lamang si Pangulong Duterte sa eksena dahil lumapit ang mga tumatakbo sa posisyon ng House Speaker pero kung ito ang masusunod ay ayaw talaga ng pangulo na makialam sa issue.


 

Sinabi din naman ni Panelo na nasa kamay parin naman ng mga mambabatas kung sino ang kanilang iboboto sa mga gustong maging House Speaker at malaya ang mga ito na gawin ang kanilang gustong gawin.

 

Sinabi din ni Panelo na kahit magkakaroon ng term sharing sa House Speakership ay magkakaroon parin ng magandang transition ng kapangyarihan.

Facebook Comments