Manila, Philippines – Sinibak na sa kanilang Committee Chairmanship sa House of Representative ang mga kongresistang bumoto kontra sa death penalty bill.
Kabilang sa mga tinanggal sa posisyon si pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Deputy Speaker for Central Luzon at labing-isa pang committee chairman.
Ito ay sina:
1. Basic Education and Culture Committee Chair Evelina Escudero
2. Civil Service and Professional Regulation Chair Vilma Santos
3. Government Reorganization Chair Henedina Abad
4. Muslim Affairs Chair Sitti Djalia Turabin Hataman
5. People’s Participation Chair Kaka Bagao
6. Overseas Workers Affairs Chair Mariano Michael Velarde
7. Women and Gender Equality Chair Emmeline Aglipay-Villar at;
8. Land Use Committee Chair Kit Belmonte.
Sibak rin sa posisyon maging ang miyembro ng Makabayan Bloc kabilang sina Natural Resources Chair Carlos Isagani Zarate, Poverty Alleviation Chair Emmi De Jesus at Public Information Chair Antonio Tinio.
Sa isang pahayag naman, sinabi ni Arroyo na inirerespeto niya ang naging desisyon ng Kamara at nagpasalamat sa pagkakataong ibinigay sa kanya para pamunuan ang hinawakan nitong komite.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez — sa pagbabalik ng sesyon sa may 2 pa inaasahang mapupunan ang mga nabakanteng posisyon.
Hindi rin naman aniya siya natatakot sa umaalingawngaw ngayong isyu ng umano’y planong kudeta laban sa kanya matapos ang nangyaring tanggalan.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
Facebook Comments