Mga mambabatas sa Estados Unidos, nanawagan sa Pilipinas na bawiin ang Anti-Terrorism Law

Nanawagan sa Philippine Government ang nasa 45 mambabatas ng United States Congress na bawiin ang kontrobersyal na Anti-Terrorism Law.

Sumulat sa Philippine Ambassador to the US sina California Representative Judy Chu at Illinois Representative Jan Schakowsky para ipawalang bisa ang batas.

Ayon kay Schakowsky, ang pagpasa nito bilang batas ay maaaring magdulot ng panganib sa human rights situation sa bansa.


Pangamba nila na maaaring gamitin ito laban sa sinumang magprotesta laban sa Pamahalaan.

Suportado rin nila ang mga dumaraming bilang ng mga grupo at indibidwal na isinisigaw ang pagkontra sa bagong batas.

Facebook Comments