Mga mambatatas, magsusumite ng rekomendasyon para sa pagbuo ng IRR ng Anti-Terror Law

Magsusumite ng rekomendasyon ang ilang mambabatas para sa bubuuing Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terrorism Law of 2020.

Ayon kay Muntinlupa City Representative Ruffy Biazon, inaaral na ng kanyang mga staff kung paano sila makapagbibigay ng rekomendasyon sa pagbuo ng IRR na layong mabawasan ang pangamba ng publiko sa batas.

Si Biazon ay principal author ng Anti-Terror Law noong dinidinig pa ito sa Kamara pero biglang nag-withdraw ng authorship at bumotong hindi pabor sa panukala.


Paliwanag ng kongresista, hindi siya kuntento sa ibang probisyon na may posibilidad ng misinterpretation.

Kaugnay nito umaasa si biazon na mabibigyang-linaw sa IRR ang mga unclear provision sa batas partikular ang Section 25 hinggil sa pagdetermina sa isang tao bilang terorista.

Una nang naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang grupong pinamumunuan ng mga propesor ng Ateneo at La Salle at ni lecturer Howard Calleja para kwestiyunin ang ‘constitutionality’ ng batas.

Inihahanda na rin ni Senator Francis Pangilinan ang petisyon laban sa Anti-Terror Law.

Ayon naman kay Presidential Spokesperon Harry Roque, ipinauubaya na ng Palasyo sa Supreme Court ang pagpapasya sa mga petisyon at tiniyak na susunod sa anumang magiging utos nito.

Magiging epektibo ang Anti-Terrorism Law labinlimang (15) araw matapos itong mailathala sa Official Gazette o sa dyaryo.

Facebook Comments