Malaki na ang pinoproblema ng mga mamimili kung paano nila pagkakasyahin ang kanilang mga budget para sa pagbili ng pangunahing pagkain na kailangan nilang bilhin tulad na lamang bigas.
Ang per kilo na kasi ng bigas ngayon tumaas na ng dalawa hanggang tatlong piso ang kada kilo, ibig sabihin tumaas ng isang daang piso ang kada sako nito.
Kaya naman ang mga mamimili, nangangamba lalo at baka lalo pa daw itong tumaas dahil sa hindi naman din umano bumababa ang presyo ng iba pang mga pangunahing pagkain na kanilang binibili.
Todo pagtitipid na lamang at kanya kanyang diskarte ang mamimili kung paano mabibili ang lahat ng nasa listahan ng kanilang dapat bilhin.
Ayon sa Department of Agriculture, noong unang linggo ng January 2023, ang imported well-milled rice ay nasa 40-44 pesos kada kilo habang ang local rice ay nasa 38-44 kada kilo.
Ngunit nang sumapit na ang unang linggo ng Agosto ay tumaas ng dalawa hanggang tatlong piso ang kada kilo ng mga ito.
Sa ngayon, ang makikita sa presyo ng bigas per kilo sa mga pamilihan dito sa Dagupan City ay naglalaro mula 44 pesos hanggang 60 pesos ang kada kilo. |ifmnews
Facebook Comments