MGA MAMIMILI NG ISDA, DUMAGSA SA MAGSAYSAY FISH MARKET, ISANG ARAW BAGO ANG PAGSALUBONG SA BAGONG TAON

Dinumog ng mga mamimili ng isda ang Magsaysay Fish Market kahapon, isang araw bago ang bisperas ng bagong taon.
Kahit pa Gabi na, kapansin pansin ang pagdami ng mga mamimili sa lugar na ihanda umano para sa media noche.
Ayon sa mga tindera, inaasahan pang mas lalakas ang bentahan ng mga produktong isda ngayong araw, Dec. 31, 2024.

Ilan sa mga produktong higit tinatangkilik ay mga isdang bangus, seafoods tulad ng hipon at ilang uri ng alimango maging mga shellfish tulad ng tahong at talaba.
Nananatiling matatag ang presyo ng bangus kung saan hanggang sa kasalukuyan, naglalaro pa rin ito sa P160 hanggang P180 sa kada kilo.
Tiniyak naman ng mga vendors na makakaasang sariwa umano ang mga inilalakonh produkto lalo ngayong Holiday Season na dinamihan din sa suplay ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments