Mga mamimili, patuloy na dumagdagsa sa bilihan ng mga pampaswerteng prutas at lucky charms sa Ongping, Binondo, Maynila

Patuloy ang pagdagsa sa Ongpin, Binondo, Maynila ng mga mamimili ng mga pampaswerteng prutas at lucky charms.

Maging ang bilihan ng pampaswerteng mga pagkain tulad ng tikoy ay mahaba na rin ang pila.

Mahaba rin ang pila sa mga kainan gayundin sa “paluto” lalo na ang mga seafood.

Kabilang din sa dumadagsa ngayon sa Ongping Street ang mga turistang kumakain sa mga Chinese restaurant.

Sa ngayon, nananatiling mabagal ang usad ng mga sasakyan dito sa lugar.

Facebook Comments