Hinimok ng Rizal Provincial Veterinary Office ang mga consumers na maging mapanuri sa pagbili ng karne at tiyaking dumaan sa inspection ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang kanilang mga binibiling baboy.
Ayon kay Rizal Provincial Veterinary Office Inspector Jun Mata, dapat maging mapanuri ang mga mamimili at tiyaking walang amoy at may tatak na NMIS ang mga baboy na kanilang binibili sa palengke.
Una rito mahigpit ang kanilang ginagawang pagbabantay sa mga delivery truck na pumapasok at lumalabas sa Barangay San Jose, Macabud at San Isidro sa Rodriguez, Rizal para matiyak na hindi makalulusot ang mga baboy na namamatay dahil sa hindi malamang virus.
Sinisita nila ang lahat ng mga sasakyang papasok at lalabas galing sa tatlong nabanggit na Barangay at tinitingnan kung may dalang certificate na galing sa National Meat Inspection Service (NMIS) para matiyak na ligtas ang baboy na dinadala sa mga palengke.