MGA MAMIMILI SA DAGUPAN CITY, DINAGSA ANG MGA PAMILIHAN BAGO ANG BAGONG TAON

Dinagsa ng mga mamimili ang mga pamilihan sa lungsod sa huling araw ng taong 2024, habang abala ang lahat sa paghahanda para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Mula sa mga grocery stores hanggang sa palengke, halos punuan ang bawat tindahan dahil sa pamimili ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, prutas, at mga sangkap para sa noche buena.

Samantala, hindi rin nagpahuli ang bentahan ng mga paputok. Ayon sa ilang mamimili, mas pinipili nila ngayon ang bumili sa mga lehitimong tindahan upang masiguro ang kaligtasan. Tinatangkilik rin ang mga alternatibong pampaingay tulad ng torotot, tambol, at iba pang hindi delikado.

Nagpapasalamat naman ang mga tindera ng paputok dahil sa mataas na demand ng kanilang produkto. Umaasa sila na maubos ang kanilang mga paninda sa unang araw ng 2025 upang mabawi ang kanilang puhunan.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad na mag-ingat sa paggamit ng paputok upang maiwasan ang mga insidente ng aksidente o sunog ngayong Bagong Taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments