Mga mamimili sa Pasig Mega Market, kontrolado pa rin sa kabila ng pagdagsa ng tao

Tiniyak ng pamunuan ng Pasig Mega Market na kontrolado pa rin nila ang mga tao na pumpasok sa loob ng nasabing palengke ngayong araw.

Ayon kay Yolly Damian, Head ng Special Operation Group ng Pasig Mega Market, inaasahan na nila ang pagdagsa ng mga mamimili ngayon bisperas ng Pasko.

Kaya naman mahigpit nilang ipinatutupad ang barangay coding scheme ngayong araw.


Pero kung sakali aniyang kakaunti na lang ang mamimili sa loob ng nasabing palengke at kaya naman ang 30% capacity nito, maaari na silang magpapasok ng tao kahit hindi nakaschedule ngayong araw.

Mahigpit din nilang ipinatutupad ang mga heath protocol sa loob ng palengke at kailangag mayroong QR code ang lahat ng namimili.

Facebook Comments