Mga mamumuhunan, hinikayat ng DOE na maglagak ng negosyo sa sektor ng enerhiya sa Visayas Region

Hinihimok ng Department of Energy (DOE) ang mga investors na mamuhunan sa mga proyektong pang enerhiya sa Visayas Region.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, dahil sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya sa nasabing rehiyon ang sektor ng enerhiya ay kinakailangang makasabay sa pangangailangan.

Ang “Visayas Energy Forum” na ginanap sa Cebu City kamakailan ay naglalayong bigyang kaalaman ang mga stakeholders sa mga potential investors at iba pang energy investment opportunities sa Visayas Region.


Umaasa naman si Cusi na ang ginanap na investment forum ay magbibigay daan sa mas maraming mamumuhunan sa sektor ng enerhiya sa nasabing rehiyon.

Facebook Comments