Hindi nagkaroon ng kalituhan sa implementasyon ng “No vax, No ride” Policy sa mga paliparan.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Chief of Staff Atty. Danjun Lucas na nakatulong ang ginawa nilang soft implementation ng nasabing polisiya noong weekend bago ito tuluyang ipatupad kahapon.
Ongoing din aniya ang information dissimenation campaign nila nang sa ganon ay wala nang magrereklamong mananakay.
Sa ngayon, tiniyak ni Lucas na mahigpit ang implementasyon nito sa iba’t ibang paliparan sa bansa.
Bago aniya makakuha ng boarding pass at ticket ang pasahero ay iniinspeksyon ang kanilang vaccination card at bago din sila sumakay ng eroplano ay muling titignan at susuriin ang kanilang vaccination card.
Tanging ang mga essential travel o returning residents ang papayagang makasakay ng eroplano kahit hindi sila fully vaccinated gayundin ang mga mayruong medical health condition na pasok din sa exemption.