Inaasahang sa May 16 ay maipoproklama na ang mananalong mga senador at party-list group sa 2022 elections.
Ayon kay Commisison on Election (COMELEC) Commissioner George Garcia, posibleng matapos sa May 15 ang pagbibilang sa resulta ng mga nanalong senador at party-list groups.
Habang ang mga mananalo sa lokal na kandidato sa pagka-alkalde at bise alkalde ay maaaring malaman ilang oras matapos magsara ang mga voting precinct.
Kinabukasan naman malalaman ang mga nanalong congressman, governor, vice governor at sangguniang panlalawigan.
Sinabi naman ni Garcia na ang mananalong presidential at vice presidential candidate ay mangyayari kapag ipinagpatuloy ng Kongreso ang sesyon nito.
Facebook Comments