Mga mananamantala sa “timbangan ng bayan”, binalaan ng DTI

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga market master o administrator maging sa mga tindero’t tindera sa malalaking pamilihan na dapat masigurong hindi namamanipula ang timbangan ng bayan.

Sa Laging Handa public press briefing, binigyang diin ni Trade Usec. Ruth Castelo na hindi dapat balewalain ang bigat ng parusa kapag may nagsumbong na dinadaya ang timbang ng mga produkto dahil tiyak na sila ay papanagutin.

Ani Castelo, nakasaad sa batas na responsibilidad ng market administrators na siguruhin na palaging gumagana nang maayos ang timbangan ng bayan.


Kapag napatunayan aniyang may pandaraya sa timbangan ng bayan, mahaharap ito sa kasong kriminal na may multang nagkakahalaga ng 5,000 hanggang 2 milyong piso at pagkakakulong ng lima hanggang 15 taon.

Alinsunod sa Consumers Act, ang DTI ang inaatasang maglagay ng timbangan ng bayan sa malalaking pamilihan.

Layon nitong maiwasan ang mga insidente ng pandaraya sa timbang ng mga produktong ibinibenta sa mga palengke.

Facebook Comments