Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga mananamantala na mag-overprice sa presyo ng tubig sa mga bottled water.
Ito ay dahil sa nararanasang kakulangan ng supply ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal Province.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, sa ngayon ay wala pa silang nakikitang pagtaas sa presyo ng mga bottled mineral water.
Kapag napatunayang nag-overprice o tinaasan nang labis ang benta, hanggang P2 milyon ang multa at puwede pang makulong ang nagtitinda.
Dahil naman hindi sakop ng DTI ang mga water container at refilling stations, nanawagan ang DTI sa mga lokal na pamahalaan na i-monitor ang overpricing ng mga drum at container sa kanilang lugar.
Facebook Comments