MGA MANANAYAW MULA SA EASTERN PANGASINAN, KAMPEON SA UDO ASIA PACIFIC STREET DANCE 2026 SA THAILAND

Isang malaking karangalan ang hatid ng Distortion Family, isang grupo ng mananayaw, mula sa iba’t-ibang bayan sa Eastern Pangasinan, matapos tanghalin bilang CHAMPION sa prestihiyosong UDO Asia Pacific Street Dance Championship 2026, na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Sa kanilang matitinding routine, sabay-sabay na galaw, at world-class na performance, ipinamalas ng grupo ang galing at talento ng mga Pangasinense sa mas malaking entablado.

Ang mga mananayaw ng Distortion Family ay mula sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan tulad ng Tayug, San Nicolas, Natividad, Asingan, at Pozorrubio, na nagkaisa upang dalhin ang kanilang husay sa international stage.

Dahil sa tagumpay na ito, mas lalo pang naipagmamalaki at naiangat ang probinsya ng Pangasinan sa larangan ng street dancing. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments