Mga mangangasiwa sa MIF, dapat mula sa investment at financial sector

Iminungkahi ni Senator Mark Villar na dapat ay magmula sa investment at financial sector ang tatayong pangulo at Chief Executive Officer ng Maharlika Investment Corporation.

Iginiit ni Villar, may-akda at sponsor ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act sa Senado, na dapat ay may maayos at mataas na reputasyon ang mga mangangasiwa sa MIF.

Aniya pa, mas higit ang karanasan dapat ng mga uupong pangulo at CEO ng MIC.


Batay sa nilagdaang MIF Law ni Pangulong Bongbong Marcos, ang siyam na bubuo sa MIC Board ay pawang appointees ng presidente kabilang dito ang:

-Finance secretary – ex-officio chairman
-MIC president and CEO
-Land Bank of the Philippines president and CEO
-Development Bank of the Philippines president and CEO
-tatlong independent directors
-dalawang regular directors

 

Ang tatayong advisory board ang siya namang titiyak na ang mga napiling miyembro ng MIC board of directors ay may subok na katatagan, kakayahan, kadalubhasaan at sapat na karanasan sa pananalapi, ekonomiya, pamumuhunan, pamamahala sa mga negosyo at maalam sa batas.

Facebook Comments