Mga manggagawa at employers, hinimok ng DOLE na lumahok sa mga programang magpapalakas sa antas ng kakayahan at negosyo

Pinalawak pa at pinalakas ng Department of Labor and Employment o DOLE ang bagong bersyon ng Adjustment Measures Program.

Kung dati ang naturang programa ay para lamang sa mga micro, small, medium enterprises (MSME) o mga employer, ngayon mismong ang mga manggagawa ay maaari nang direktang makinabang sa mga proyekto mula sa DOLE.

Sinabi rin ng DOLE na ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga project proposal sa kagawaran.


Ayon sa DOLE, susuportahan nila ang mga manggagawa at employer para maipatupad ang mga proyekto sa kani-kanilang enterprises o sa workers’ organization.

Facebook Comments