Mga manggagawa, dapat makatanggap ng 13th month pay – DOLE

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na ibigay sa kanilang mga manggagawa ang 13th-month pay.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, dapat maibigay ito bago o sa mismong araw ng December 24.

Iginiit ng kalihim na “walang exemption” at “walang excuse” ang mga kumpanya rito.


Kung walang pondo ang kumpanya ay maaari silang mangutang para may pambayad sila sa kanilang mga manggagawa.

Sa ngayon, mayroon ng mga employer ang nakapag-advance na noon ng 13th month pay.

Bukod sa 13th-month pay, may mga kumpanyang nagbibigay ng voluntary bonuses tulad ng 14th-month at 15th-month sa kanilang mga empleyado kung maganda ang kita ng negosyo.

Ang mga kasambahay at driver ay kasama rin dapat sa makakatanggap ng 13th month pay.

Facebook Comments