Mga manggagawa na magpapabakuna sa extended National Vaccination Day, hindi na excuse sa trabaho

Mga manggagawa na magpapabakuna sa extended National Vaccination Days, hindi na excuse sa trabaho

Hindi na excuse ang mga empleyado sa trabaho na magpapabakuna ngayon hanggang bukas.

Ito ay kasunod nang pinalawig na National Vaccination Days.


Sa Laging Handa Public press briefing sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson at Health Usec. Myrna Cabotaje, na hindi tulad ng naunang proklamasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mamarkahang absent ang mga magpapabakuna nitong Nobyembre 30 – Disyembre 1.

Ayon kay Cabotaje, hindi kasama sa nakasaad sa inilabas na proklamasyon ni Pangulong Duterte ang extension para sa vaccination days ngayong araw hanggang bukas.

Dahil dito, sinabi ni Cabotaje na management prerogative na ito.

Kasunod nito, nakikiusap ang opisyal sa mga may ari ng kumpanya na pagbigyan na ang kanilang mga kawani o manggagawa na makapagpabakuna sakaling ngayong araw nila ito gawin o bukas.

Kung hindi naman aniya mapagbibigyan ng mga kompanya, sinabi nito na mayroon pa namang ikalawang round ang National Vaccination days sa December 15-17 kung kelan pwedeng magpunta muli sa vaccination sites ang mga gustong humabol na magpabakuna.

Facebook Comments