Inanunsyo ng Department of Labor And Employment (DOLE) na itinuturing ng compensable disease sa mga manggagawa ang sakit na COVID-19.
Sa virtual press briefing ng DOLE, ipinaliwanag ni Labor Sec. Silvestre Bello III, ito ay base sa naaprubahan na Board Resolution 21-04 ng Employees Compensation Commission (ECC)
Nangangahulugan ito na maaari nang mabigyan ng kompensasyon, o kabayaran ang manggagawa na tatamaan ng COVID-19.
Hindi naman idinetalye ng kalihim kung magkano ang maaaring matanggap ng isang manggagawa pero tiniyak nito na may sapat na pondo ang ECC para sa nasabing kompensasyon.
Facebook Comments