Sa mga manggagawa humuhugot ng lakas ang labor leader at presidential candidate na si Ka Leody de Guzman para ituloy ang kaniyang kandidatura.
Sa ginanap na proclamation rally kahapon ng Partido ng Lakas ng Masa, sinabi ni de Guzman na inspirasyon niya ang mga manggagawang inaapi ng mga bilyonaryo at kapitalista sa bansa.
Ayon kay de Guzman, aayusin niya ang sistema na matagal nang sinasamantala ng mga mayayaman lalo na’t sa kanila lamang umano pumapabor ang mga batas.
Samantala, bago matuloy ang kanilang proclamation rally ay nagkaroon muna ng ilang problema matapos sabihin ng Commission on Elections (COMELEC) na wala silang isinumite na campaign application permit.
Ayon kay COMELEC Director Elaiza Sabile-David, maituturing itong isang election offense dahil kinakailangan munang humingi ng permit bago magsagawa ng kampanya.
Paglilinaw naman ni de Guzman, naghain sila ng application pero hindi ito nakumpleto dahil sa mga ilang nawawalang mga dokumento.