Epektibo na simula ngayong Miyerkules ang umento sa sahod ng mga manggagawang kumikita ng minimum wage sa Region 9.
Sa abiso ng National Wages and Productivity Commission, mula ngayong December 12 ay mas mataas na ng ₱33 ang daily minimum wage sa Zamboanga Peninsula.
Ibig sabihin, para sa mga non-agriculture at retail/service establishments na may 10 o higit pang empleyado sa pribadong sektor ay ₱414 na ang kanilang maiuuwi kada araw.
Nasa ₱401 naman ang arawang kita ng mga nasa agriculture sector at sa retail/service establishments na may 1-9 empleyado.
Facebook Comments