Mga manggagawang apektado ng pagpapasara sa gaming outlets ng PCSO, tutulungan ng DOLE

Handa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na tulungan ang mga manggagawang naapektuhan ng pagpapasara sa gaming operations ng PCSO.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – awtomatikong magkakaroon ng unemployment dahil sa closure order at dito papasok ang DOLE para magbigay ng tulong.

Idinagdag naman ni Labor Assistant Secretary Benjo Benavidez – maaari ring humingi ng tulong ang mga displaced worker sa Social Security System (SSS).


Kailangan lamang nilang kumuha ng sertipikasyon mula sa DOLE bago mag-apply ng SSS insurance.

Facebook Comments