Iginiit Senator Risa Hontiveros sa pamahalaan na isailalim sa mandatory testing ang mga empleyado na babalik sa trabaho kapag ang kanilang lugar ay isinailalim na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) o General Community Quarantine (ECQ).
Ipinunto ni Hontiveros, na kung ang workers sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay pinangakong isasailalim sa COVID test ay dapat ganito din ang gawin sa mga kababayan nating manggagawa.
Diin ni Hontiveros, dapat ay kasama sa dagdag-proteksyon sa manggagawang Pilipino na balik-trabaho sa gitna ng pandemic ang mandatory testing.
Ayon kay Hontiveros, ang mandatory testing ay mahalagang maisama sa safety guidelines sa workplaces na inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI).
Paliwanag ni Hontiveros, ito ay para matukoy agad ang mga empleyadong may taglay ng virus upang sila ay maibukod at hindi na makahawa pa.