Binigyan ng 30 araw na taning ng pamahalaan ang mga unvaccinated at partially vaccinated worker sa National Capital Region (NCR) para makasakay sa mga pampublikong transportasyon.
Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Artemio Tuazon Jr., magiging epektibo ang kautusan na ito mula ngayong araw, Enero 26 hanggang Pebrero 25 para makumpleto ng mga unvaccinated at partially vaccinated worker ang kanilang bakuna.
Aniya, layon ng naturang desisyon na maprotektahan ang mga fully vaccinated individual na sumasakay ng pampublikong transportasyon mula sa COVID-19.
Giit ni Tuazon, kapag natapos na ang ibinigay na 30 araw, tanging ang fully vaccinated workers na lamang ang papayagang makasakay ng pampublikong transportasyon.
Facebook Comments