Pinangakuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawa na inaasahang maaapektuhan ng community quarantine
Sa lagging handa press briefing, sinabi ni Labor Undersecretary Benjo Benavidez na mabibigyan ng tulong pinansiyal ang mga manggagawa na posibleng mawalan ng trabaho dahil sa mahigpit na ipinatutupad na community quarantine.
Ayon kay Benavidez, may nakalaang 2 bilyong pisong pondo ang DOLE para rito.
Kabilang aniya sa masasaklaw ng tulong pinansiyal ang mga casual at contractual employees.
Maaari rin aniyang hanapan nila ng trabaho sa ibang lugar ang ilang manggagawa na hindi na makababalik sa kanilang trabaho pagkalipas ng 1bwang community quarantine.
Sinabi din ni Benavidez na maging ang mga manggagawa sa informal sector tulad ng mga vendor, jeepney driver, helper at iba pa ay kasama sa mabibigyan ng tulong pinansiyal ng ahensya.