Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na hindi nila maaring ituring na “absent” ang mga manggagawang hindi papasok sa November 29 at December 1 para magpabakuna.
Ito ay makaraang ideklara ng Malacañang na “Special Working Days” ang una at ikatlong araw ng 3-Day National Vaccination.
Ayon kay DOLE Assistant Secretary Tess Cucueco, pinaka-incentive na ito ng mga employer sa mga manggagawa nilang nais magpabakuna sa mga nabanggit na petsa.
Ibig sabihin, kahit hindi pumasok sa November 29 at December 1 dahil nagpabakuna, may matatanggap pa rin silang sweldo sa kanilang kompanya.
Samantala, deklarado namang Regular Holiday ang November 30 dahil sa paggunita ng Bonifacio Day.
Facebook Comments