Manila, Philippines – Mahigpit ang paalala ng Department of Labor and Employment sa tamang pagpapasahod ngayong araw dahil sa selebrasyon ng Eid’l Adha.
Sa ilalim ng labor advisory ng DOLE, double pay ang matatanggap ng mga manggagawang pumasok ngayong araw para sa unang walong oras ng kanyang pagtatrabaho.
Kung nag-overtime, babayaran siya ng employer ng karagdagang 30 percent ng kanyang hourly rate kada araw.
Kung nagkataon naman na rest day ng manggagawa pero pumasok siya sa trabaho babayaran siya ng karagdagang 30 percent ng dobleng halaga ng kanyang sahod para sa nabanggit na araw.
At kung nag-overtime pa, babayaran siya ng dagdag na 30 percent ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw.
Samantala, ang mga empleyado naman na hindi papasok ay babayaran pa rin ng 100 percent ng kanyang regular na sahod.