Inaasahan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) na marami pang manggagawa ang mawawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa huling datos ng DOLE mula nitong July 20, aabot na sa higit tatlong milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bawat araw ay maraming manggagawa ang nawawalan ng trabaho o nababawasan ng kanilang working hours.
Kaya muling nananawagan si Bello sa mga employer na iwasan ang pag-lay off ng kanilang mga manggagawa.
Nitong Mayo, naglabas ang DOLE ng guidelines sa kung paano mapoprotektahan ng mga employer ang trabaho at maiwasan ang layoffs at retrenchments sa gitna ng pandemya.
Hinihikayat ng DOLE ang work-from-home at telecommuting sa mga manggagawa.