Mga manggagawang may iniindang kondisyon, dapat iprayoridad sa vaccination – VP Robredo

Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa pamahalaan na iprayoridad ang pagpapabakuna ng mga manggagawang mayroong comorbidities.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, ang mga driver ng pampublikong sasakyan, market vendors, at drugstore personnel ay mataas din ang tiyansang kapitan ng COVID-19.

Mahalaga aniyang mabakunahan ang ganitong grupo ng mga manggagawa lalo na ang mga walang kapasidad para sa work-from-home scheme.


Ipinunto rin ni Robredo na hindi sapat ang supply ng COVID-19 vaccines kaya dapat lamang na maiturok ito sa mga nangangailangan.

Ang Office of the Vice President (OVP) ay maglalabas ng information materials hinggil sa benepisyo ng mga bakuna.

Hinikayat din ni Robredo ang pamahalaan na palakasin ang communication methods nito para mahikayat ang mga Pilipino na magpabakuna.

Facebook Comments